Abot kamay na ng mga overseas Filipino workers ang serbisyo ng pamahalaan sa mga One-Stop Service Center for OFWs (OSSCO) matapos na buksan ito sa 15 probinsya sa labas ng Metro Manila.
Pormal ng binuksan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Offices, kasama ng Philippine Overseas Employment Administration, ang mga OFW one-stop centers sa mga sumusunod na lokasyon: Manna Mall, San Fernando City, La Union; City Tourism Office, Tuguegarao City, Cagayan; Baguio Convention Center, Baguio City; Clark Freeport Zone, Pampanga; OWWA Regional Office 4A sa Calamba City; Robinson’s Place, Puerto Princesa City; Pacific Mall, Legaspi City; SM City, Cebu City; Robinson’s Place, Iloilo City; Robinson’s Place, Bacolod City; DOLE Regional Office No. 8, Tacloban City; Goodwill Center, Zamboanga City; OWWA Regional Office No. 10, Cagayan de Oro City; Butuan City Hall Complex, Butuan City at sa bagong City Hall ng Koronadal City.
Sa pamamagitan ng OSSCO, mas abot na ng mga Pilipinong manggagawa at mga nagpaplanong magtrabaho sa ibang bansa ang mga frontline services ng pamahalaan. Bukas ang mga center mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., Lunes hanggang Biyernes.