HINDI itinanggi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na luma-labas sila paminsan-minsan ni Kris Aquino.
Pero hindi naman daw intimate date ang mga iyon dahil mostly ay business ang pinag-uusapan nila.
Kamakailan kasi ay nakita silang dalawa na magkasama sa isang restaurant sa Tomas Morato sa Quezon City.
“Yeah, yeah… nag-usap kami tungkol sa business permit niya.
“It’s about the construction permit ng kanyang opisina.
“Trabaho ko naman talaga ’yun.
“Hindi lang naman si Kris ang tinutulungan ko pagdating sa ganyan, marami sila.
“Yun lang naman ang mga times na nagkakasama kami ni Kris. It’s mostly business talaga,” paliwanag pa ni Mayor Herbert.
Aware si Mayor Herbert sa mga pinagdaraanan ni Kris, lalo na sa mga emote nito pagdating sa kanyang career at personal life.
Isa rin si Mayor Herbert na nagbibigay ng advise kay Kris since nagkaroon sila ng relasyon noon.
Isa nga raw sa napag-usapan nila ay ang ex-husband ni Kris na si James Yap.
Para kay mayor, mas mabuti na ’yung makipag-ayos na si Kris sa mga taong naging bahagi ng buhay niya noon para magkaroon na ng closure.
“That’s what I think I’m trying to do, train her to be friends with her exes.
“Kaya lang, sabi niya, there are things that you cannot bring back… nagkademandahan, di ba?
“How can you bring back the friendship, di ba?
“But it’s good kasi, I think, noong Christmas yata nagkita sila. I mean, it’s good.
“I think her family has something to do with it also.
“Si Bimby naman he’s growing up and he’s also looking for a father, and his father is just there,” diin pa niya.
Masaya rin si Mayor Herbert dahil sa suporta na binibigay ng media sa kanyang anak na si Harvey Bautista na introducing sa horror film na “Ilawod.”
Ayon kay mayor, dini-discourage daw niyang pasukin ng mga anak niya ang showbiz or politics.
“Wala akong magawa. It’s in their blood.
“Okey lang ang showbiz kasi masaya, eh. I discourage them to enter politics kasi baka hindi nila kayanin.
“But it’s not for me to say. Baka may isa sa kanila ang mag-politics. Desisyon na nila iyon,” pagtatapos pa ni Mayor Herbert Bautista.(RUEL J. MENDOZA)