Hindi makikialam ang Quezon City Police District (QCPD) sa isinisagawang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) laban sa miyembro nito na nakuhanan ng video habang binubugbog niya ang lasing na kapitbahay sa Sta. Ana, Manila, noong Linggo.
Sinabi ni QCPD director Chief Supt. Guillermo Eleazar na hindi nila hahayaang makatakas si PO1 Leo Tupas sa pananagutan sa batas.
Dagdag pa ng QCPD chief na magsasagawa rin sila ng sariling imbestigayon para malaman ang liability ni Tupas bilang isang pulis.
Ayon kay Eleazar, ang 36-year-old rookie cop ay nakatalaga bilang beat patrol officer sa QCPD Kamuning Police Station.
Nakita sa isang closed-circuit television footage na binubugbog ni Tupas sa kalye sa Sta. Ana ang kaniyang kapitbahay na si Eduardo Javar.
Bago pa mangyari ang pambubugbug, inamin ni Javar na lasing na lasing siya nang sundan at biruin niya si Tupas sa kabila ng pag-iwas sa kanya ng pulis.
Ilang sigundo pa, kinaladkad at binuntal ni Tupas and biktima sa mukha at katawan. Binagsakan pa ni Tupas ng paso sa mukha ang biktima na noong nakahandusay na sa kalye.
“Hindi makakaligtas ito, definitely we will file administrative cases against him for possible dismissal,” Eleazar said of Tupas.
Ni-relieve at dinisarmahan ng QCPD officials si Tupas noong Miyerkules ng hapon. (Vanne Elaine Terrazola)