NAALIW si Iza Calzado sa iba’t ibang bansag sa kanya ng entertainment writers noong presscon ng “Ilawod.”
Dahil identified siya sa horror films, may nagsabing pwede nang ipasa sa kanya ni Kris Aquino ang titulong Horror Queen. “Pwede Horror Princess nalang?” sambit ni Iza.
Joke niya, biniyayaan siya ng nakakatakot na mukha, kaya kinukuha siya para gumawa ng horror films.
May nag-suggest naman na bagay kay Iza ang Horror Diva o Horror Goddess. “Ay, gusto ko ’yung Horror Goddess,” ani Iza.
Si Ian Veneracion ang kapareha niya sa “Ilawod” (downstream o pababa na agos ng tubig) at may eksena kung saan ginapang (term ni Iza) niya si Ian habang natutulog ito. Lack of clothes o kulang siya sa damit, ayon pa kay Iza.
“Pwede rin pala sa ’yo ang Gapang Queen o Patong Queen o Gapang Goddess,” sambit ng press na ikinatawa ni Iza.
Aniya, sa eksena kasi’y na-possess siya, kaya naging aggressive siya. Palaban siya sa scene na ’yon at ani Iza, komportable naman siyang gawin ’yun kay Ian dahil nagkatrabaho na sila sa ilang projects. Besides good friends sila ng mestisong aktor.
Pinagnanasaan
“Nasarapan,” ang nakangiting sagot ni Ian when asked kung ano’ng naramdaman niya sa paggapang o pagpatong sa kanya ni Iza. Anang huli, hindi na siya nag-inarte pang gawin ang eksena.
“Ano ako, 20 years old? Sobrang guwapo ni Ian. Masarap siyang maging asawa. Siya ’yung tipo ng pakakasalan ko,” saad ni Iza.
Pero aniya, si Piolo Pascual ang ultimate crush niya. “Kinikilig ako at may malisya kapag nakikita ko siya.
Pinagnanasaan ko siya (laughs). Buti nalang may Ben (Whintle) ako,” ani Iza.
Five years or so na ang relasyon nina Ben at Iza, pero mukhang wala pa silang balak magpakasal.
Sinaniban
Si Dan Villegas ang director ng “Ilawod” at ang Palanca winner na si Yvette Uy Tan ang sumulat ng kuwento. Tungkol ito sa possession, pero walang actual demons o walang curse.
Ian plays Dennis, isang reporter sa isang internet news publication na nagko-cover ng supernatural at weird stories.
Aksidenteng naiuwi niya sa bahay ang ilawod, ang elemental ng tubig na pababa ang agos. Nagulo ang pamilya ni Dennis.
Isa-isang sinaniban ang asawa niya (Iza) at mga anak na ginagampanan nina Xyriel Manabat at Harvey Bautista.
Tampok din sa “Ilawod” sina Epi Quizon at Therese Malvar. Produced by Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films at Butchi Boy Productions. Showing on Jan. 18 sa mga sinehan nationwide.