Nagpahayag ng ng kasiyahan at pasasalamat ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang commander-in-chief na si President Duterte matapos nilang matanggap ang dagdag sa kanilang sweldo nayong buwang ito.
“Our soldiers, airmen, sailors and marines, including civilian personnel were happily surprised when they received their respective increases reflected in their first pay slip for the year 2017,” pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard A. Arevalo.
“For this we thank the Commander in Chief for his manifest regard to the morale and welfare of his men in the AFP,” dagdag ni Arevalo.
Sinabi ni Arevalo na nagsimula nang makatanggap ng dagdag sweldo ang military at Uniformed Personnel (MUP) kasama na ang lahat ng civil servants ngayong January. Ito ay resulta ng second tranche ng pagpapatupad ng Executive Order 201.
Ang four-tranche salary adjustment scheme ay isinama sa budget at ipinagpatuloy ng administrasyon ni Duterte.
Ibinigay din sa MUP ang monthly provisional allowance na ipinatutupad sa ilalim ng four tranches.
“Soldiers also received a higher hazard pay in 2017 starting this month of January. From the 2016 rate of P390 they stand to receive P540 per month for this year. They will be receiving P690 in 2018 and P840 in 2019 for the last trance,” ayon kay Arevalo.
Sinabi ni Arevalo na ang pagtaas ng sweldo ng mga sundalo ay malaking tulong para sa kanila na karamihan ay siyang pangunahing tumutustos sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. (Francis T. Wakefield)