KUNG kalian nagka-edad, saka pa naging papalicious si Ian Veneracion. At 41 years old, marami pa ring kababaihan at beki ang nagpapantasya kay Ian kahit may asawa’t tatlong anak na siya. Nineteen years old ang panganay nila ng non-showbiz wife niyang si Pam Gallardo.
At his age, lead roles pa rin ang naibibigay kay Ian. Hindi nga niya akalain ’yun. ’Yung ibang kapanabayan niya sa noon sa “That’s Entertainment” ay supporting roles nalang either sa TV o sa pelikula. Nagtabaan na rin ang karamihan sa mga ’yun.
Si Ian, physically fit pa rin siya. Guwapo pa rin na hindi aakalaing may teenager nang anak.
Mapapanood si Ian sa “Ilawod,” with Iza Calzado kung saan gumaganap sila bilang mag-asawa. Sa intimate scene nila, kahit less clothes si Iza, hindi napilit si Ian maghubad. Naka-pajama siya. Joke ng aktor, conservative siya.
Showing sa Jan. 18 ang “Ilawod” sa mga sinehan nationwide.
Namanhikan na
Mauunang magpakasal sina Anne Curtis at Erwan Heussaff kina Billy Crawford at Coleen Garcia. Sa 2018 ang nakatakdang kasal nina Billy at Coleen.
Namanhikan na si Erwan sa pamilya ni Anne noong kasama siyang nagbakasyon ng kanyang fiancee sa Australia noong nakaraang Holiday Season.
Wala pang ibinigay na detalye si Anne kung kalian ang wedding nila ni Erwan. Hopefully, before the year ends ay maging official Mrs. Anne Heussaff na siya. Hindi kaya sa abroad din ang kasal nila ni Erwan?
Bagong karakter
Panibagong pasok na karakter sa “Encantadia” si Congressman Alfred Vargas. Gaganap siya bilang Amarro, ama ni Aquil (Rocco Nacino). Extended hanggang April ang naturang telefantasya ng GMA.
Si Cong. Alfred ang original na gumanap bilang Aquil sa “Encantadia” 12 years ago. Gusto talaga niyang mag-guest sa requel nito, kaya hinanapan niya ng oras na maisingit sa kanyang busy schedule bilang public servant ang pagte-taping sa “Encantadia.”
Ipinalabas na ang teaser ng kanyang karakter. Excited ang actor-politician dahil matagal-tagal na rin siyang hindi umaarte sa harap ng kamera.
Wish niyang magka-eksena sila ni Diana Zubiri na gumanap bilang original Danaya na ginagampanan ngayon ni Sanya Lopez.
Stage father na?
Kung dati’y napupuri ang daddy ni Alden Richards dahil hindi ito stage father, binabash ito ngayon ng netizens.
Mapagpatol na raw ngayon ang daddy ni Alden.
Nagre-react daw ito kapag may hindi magandang write-up tungkol kay Alden. Maybe, protective father lang si Mr. Fulkerson. Natural lang ’yun sa isang amang nagmamahal sa isang anak.