Nakatakdang maglunsad ang farmers group ng serye ng kilos protesta para gunitain ang 30th year ng “Mendiola Massacre” kung saan 13 magsasaka ang namatay habang wala ni isa mang suspek ang nadala sa korte.
Sinabi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na ang kanilang kilos protesta ay magaganap sa ilalim ng hindi ordinaryong panahon dahil ang peasant leader na si Rafael Mariano ang siya ngayong secretary ng Department of Agrarian Reforms (DAR).
Si Mariano ay isa sa mga peasant leader na nanguna sa martsa ng mga magsasaka patungong Mendiola noon 1987. “After three decades, there’s still no land and no justice for farmers.
No one was arrested, convicted and punished for the massacre at Mendiola that killed 13 farmers, namely, Danilo Arjona, Leopoldo Alonzo, Adelfa Aribe, Dionisio Bautista, Roberto Caylao, Vicente Campomanes, Ronilo Dumanico, Dante Evangelio, Angelito Gutierrez, Rodrigo Grampan, Bernabe Laquindanum, Sonny Boy Perez, and Roberto Yumul,” ayon kay KMP chairperson Joseph Canlas.
“After Mendiola Massacre, the administration of then President Cory Aquino enacted the Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) and implemented the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), which was judged by history as a bogus land reform program that evaded social justice and actual land distribution to farmers,” dagdag pa niya.
Itutulak rin ng KMP at mga kaalyadong organisasyon sa Kongreso ang pagpasa ng land reform program na magbibigay ng libreng lupa sa mga magsasaka. (Chito Chavez)