ANG guwapo at cute ni baby MJ (Michael James), anak nina James Yap at Michela Cazzola. Pwedeng maging endorser ng mga baby product kung papayag ang kanyang daddy at mommy.
Ipinakita na rin nina James at Michela ang buong mukha ni baby MJ na nai-post sa social media at lumabas sa mga pahayagan.
Guwaping at cute rin ang baby boy nina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano na si Baby Seve. Gayun din si baby Primo nina Drew Arellano at Iya Villania. Halos magkaka-edad ang tatlong bagets. Sino kaya sa kanila ang magso-showbiz paglaki nila?
Kung hindi artista o singer tulad ng kanyang mommy Toni, maging direktor din kaya si baby Seve tulad ng kanyang daddy Paul? Maging TV host naman kaya si baby Primo tulad ng kanyang parents?
Si baby MJ, maging basketball player kaya tulad ng kanyang daddy James? Si Bimby na half-brother ni Baby MJ ay mukhang walang hilig sa basketball at mas gustong tularan ang kanyang mommy Kris Aquino na isang artista at TV host.
Walang kiyeme
Walang kiyeme sina Iza Calzado at Bea Alonzo sa pagsagot sa questions with double-meaning ni Vice Ganda noong nag-guest sila sa “Gandang Gabi Vice.” Tinanong sila kung does size matter sa sex, o alin ang mas importante, performance or size.
Sabi ni Bea, expression ng love ang sex. Kung mahal mo ang isang tao, ini-express mo ’yun sa iba’t ibang paraan, something to that effect na pahayag ng aktres. Aniya pa, importante ang performance (in bed kaya?).
She believes in second chance. Tinanong siya ni Iza from a scale of 1 to 10 ng kanyang happiness ngayon, “Ten!” sagot ni Bea. Need we say na si Gerald Anderson ang nagpapasaya ngayon kay Bea?
Performance rin ang importante kay Iza. Three months ang pinakamatagal na wala siyang lovelife. “Ayokong nababakante ang lovelife. Masarap kaya ang may lovelife (laughs),” aniya.
’Yung huli niyang ex-boyfriend ay muntik na siyang makipagbalikan. Eh, dumating daw si Ben Wintle na sobrang guwapo.
“Pakakawalan ko pa ba ang gano’n kaguwapo?”
By the way, pinuri ng mga nakapanood na entertainment press ang performance ni Iza sa celebrity screening ng “Ilawod.” Also si Ian Veneracion na gumanap as her husband, gayun din sina Harvey Bautista at Xyriel Manabat na gumanap bilang mga anak nila. Magaling din daw si Therese Malvar na gumanap bilang Isla, demonyitang water element.
Showing ngayon ang “Ilawod” sa mga sinehan.