Bibigyan ang 140 inmates ng Makati City Jail ng libreng skills training bilang bahagi ng “Integration Through Skills Development Project For Inmates and their Families” na inlunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kahapon.
Sinabi ni TESDA Secretary Guiling Mamondiong na ang proyekto ay bahagi ng kanilang pagsisikap na mailbalik sila sa lipunan sa oras na lumabas na sila ng kulungan.
“Aalalayan natin sila sa kanilang daan patungong pagbabagong buhay, hindi dapat i-discriminate. Para paglabas nila ay maging kapaki-pakinabang sila sa ating lipunan,” pahayag ni Mamondiong.
“Pati ang kanilang pamilya, turuan natin ‘yan para may pagkakitaan sila. Basta magcoordinate lang sila sa amin,” dagdag pa niya.
Nag-aalok ang TESDA ng training sa Bread and Pastry Production NC II, Barista NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Heo-Forklift Operation, Cookery NC II, Beauty Care NC II, Hilot NC II and Hairdressing NC II. (Martin A. Sadongdong)