SI Pia Wurtzbach siguro ang peg ni Mariel de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Nag-join si Mariel sa Binibining Pilipinas beauty pageant a few years ago. Unfortunately, natalo siya.
Si Pia ay tatlong beses nag-try, hanggang nagwagi siya bilang Miss Universe 2015. Ipapasa na niya sa Jan. 30 ang kanyang korona sa tatanghaling Miss U 2016.
Confident si Maxine Medina, Bb. Pilipinas-Universe candidate na magba-back-to-back win sila ni Pia. Ipag-pray natin na manalo nga si Maxine.
Back to Mariel de Leon, dream niyang maging beauty queen. Kaya gusto niyang sumaling muli sa Bb. Pilipinas. Kung si Pia nga naman ay try and try until you succeed ang ginawa, bakit nga naman hindi niya gayahin ito?
’Heard, gusto rin sumaling muli ni Winwyn Marquez sa Bb. Pilipinas. Natalo siya sa first try niya. Peg din kaya niya si Pia Wurtzbach? Kapag nagkataon, magiging magkalaban pa sina Mariel at Winwyn.
Nagluluksa
Nagluluksa ang showbiz industry sa hindi inaasahang pagpanaw ni Donna Villa, asawa ni direk Carlo Caparas. Sila ang tinaguriang Golden Couple na well-loved sa showbiz.
Super press friendly si Donna na kapag may presscon ng pelikulang produced ng Golden Lion Films napag-aari nila ni direk Carlo, super tsika siya sa press. Super generous pa. Para siyang Mama Santa Claus na parating Pasko ang feeling ng press.
Curious lang kami, paano kaya tinanggap ni direk Carlo ang pagpanaw ng pinakamamahal niyang asawa? Inseparable couple sila. Si Donna ang buhay at “mundo” ni direk Carlo. Punung-puno ng pagmamahal kapag nagsasalita siya tungkol sa kanyang asawa.
Paano na kaya ang buhay (o magiging buhay) ni direk Carlo ngayong wala na ang pinakamamahal niyang asawa? Our condolences sa mga naiwan ni Donna.
Nang-iwan
How true na isang super rich businessman ang third party involved sa break-up nina Sef Cadayona at Andrea Torres?
Damay pa si Maine Mendoza na diumano’y “inagaw” si Sef kay Andrea. May mga emote pa si Andrea sa social media dahil nasaktan siya sa diumano’y pang-iwan sa kanya ni Sef. Eh, bakit may tsikang isang rich businessman ang diumano’y pinagselosan ni Sef?
Sino ba talaga ang nang-iwan? Kanino?
Thankful
Thankful sina Drew Arellano at Iya Villania sa positive feedback sa pilot episode ng “People vs. The Stars.” Klik sila bilang hosts at kahit tricky ang kanilang questions, nakakaaliw panoorin.
Truly, they turn Sundays into fun days. PVSTS airs at 5 p.m. sa GMA.