IPINAKILALA ni Aubrey Miles sa publiko ang panganay niyang anak na si John Maurie Obligacion sa pamamagitan ng kauna-unahan nitong television appearance ngayong binata na ito nang mag-guest sila kasama ang long-time partner ni Aubrey na si Troy Montero sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”
Si Maurie ay anak ni Aubrey sa pagkadalaga sa dati niyang boyfriend na si JP Obligacion.
Sa kabila ng mga nangyari noon, lumaki pa rin sa isang masayang pamilya si Maurie. Ang pagtanggap daw ni Troy kay Maurie ay isa sa mga dahilan kung bakit mas lalong minahal ni Aubrey si Troy. “Nung sinabi ko sa kanya, alam mo ’yung tinanggap niya, hindi ’yung may araw pa na, ‘I have to think,’ sa ibang guys, di ba? Siya, hindi, gusto agad niyang makilala the next day.”
Nang lumabas nga si Maurie sa “Magandang Buhay” ay ibinahagi rin nito kung paano naging mabuting ama sa kanya si Troy. “He is like a real dad. He knows how to take care of me, he’s always there for me, supportive din. Of course, I have my real dad, but he treats me really well which I really appreciate. He’s like a real dad to us… with Hunter (anak nina Aubrey at Troy) and me, we are really close,” sabi ni Maurie.
Paano naman niya ide-describe ang kanyang mommy Aubrey? “Well, (she’s) strict in school. Friendly, really, really friendly. Good mother, really a good mother. Always there supporting in everything I do.”
Ano ang madalas i-advise sa kanya ng mommy niya? “She always tells me to do what I love. So, I follow her. And I always stick to that, I do what I love. I don’t do it for other’s opinions. I wanna be who I am, and she tells me that everyday.”
Aminado si Maurie na may mga taong nagsabi sa kanyang itinago o isinikreto siya noon ng kanyang mommy para hindi maapektuhan ang career nito. Hindi ba siya nasaktan nang malaman niya ito? “As a kid growing up, I didn’t mind it.
Alam mo naman as a kid, all I do is have fun. But as I grew up, I got used to it and I accepted it naman. At least she’s still my mother and she’s a real good mother.”
Proud na proud nga si Maurie sa kanyang mommy at itinuturing niya itong idol.
Samantala, pangarap din daw ni Maurie na maging artista katulad ng kanyang parents. Sa ngayon nga ay nag-a-undergo siya ng iba’t ibang workshops bilang paghahanda sa pagpasok niya sa showbiz. (GLEN P. SIBONGA)