Inamin ni Bela Padilla na hiwalay na sila ng kanyang businessman boyfriend na si Neil Arce. Pero nakiusap ang Kapamilya actress na huwag nang usisain ang mga detalye lalo na ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Mutual decision daw ang breakup nila. Sa katunayan tuloy pa rin daw ang pagiging artistic partners nila sa mga ginagawa nilang pelikula. Sa mga nakaraang proyekto kasi nila gaya ng pelikulang “Camp Sawi” ay naging artistic partners sila na ang kanilang konsepto ay ginawa nilang movie, na ipino-produce rin ni Neil. “In fact, nagsu-shoot nga ako ng movie with him under direk Dan Villegas, yung “Luck at First Sight” with Jericho Rosales,” aniya.
Bukod sa pagiging professional partners, posible bang maging magkaibigan pa rin sila ni Neil? “Honestly, I can see us being friends pa after this. And iyon nga magkatrabaho naman kami and marami pa kaming concepts na ginawa together.
So, after ng movie, hindi pa ito yung last, makakatrabaho ko pa rin siya. I mean mayroon kaming ongoing na, parang pa-start na mga projects. So, I’m gonna see him the whole year.”
Nangyari ang pag-amin ni Bela nang ma-interview namin siya sa presscon ng bagong primetime teleserye ng ABS-CBN, ang “My Dear Heart.” Paano niya na-compose ang sarili niya sa pagharap sa presscon kahit may iniinda siya sa puso?
“Hindi naman kami nandito para sa sarili naming issues, nandito kami para sa show. So, kailangan masaya ako para sa show, masaya ako para sa lahat ng cast. Parang I take things one moment at a time. And I’m here for ‘My Dear Heart,’ not for my self.”
Sa ngayon, pahinga raw muna ang puso ni Bela at naka-focus muna siya sa kanyang trabaho. Thankful lang siya na pagkatapos ng memorable role niya bilang si Carmen sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” muli siyang binigyan ng malaking proyekto ng Dreamscape Entertainment Television. Ito nga ang “My Dear Heart,” kung saan gumaganap siya bi-lang si Clara, na nanay ng bida ng serye na si Heart, na ginagampanan naman ng bagong child discovery ng ABS-CBN at Dreamscape na si Nayomi Ramos.
Asawa naman ni Bela sa serye si Zanjoe Marudo. Kasama rin nila sa cast sina Coney Reyes, Robert Arevalo, Rio Locsin, Joey Marquez, Susan Africa, Eric Quizon, Loisa Andalio, Mark Oblea, Jameson Blake, Sandino Martin, Vic Robinson, at Hyubs Azarcon.
Mula sa direksyon nina Jerome Pobocan at Jojo Saguin, ang “My Dear Heart” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa Jan. 23. (GLEN P. SIBONGA)