Ipinapasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Payatas landfill sa Quezon City kasabay ng panawagan sa local government na humanap na ng ibang lugar na mapagtatapunan ng basura sa lalong madaling panahon.
“There would be no more dumping of garbage and toxic (wastes) near bodies of water,” pahayag ni DENR Secretary Gina Lopez sa press briefing noong Miyerkules.
Sinabi ni Lopez na nagkausap na sila ni Quezon City Herbert Bautista kamakailan tungkol sa Payatas dumpsite. Ito ay malapit sa La Mesa Watershed na siyang nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila.
“There’s so many communities there. The people are not happy. More yet Payatas, (it’s near the) reservoir of more than 12 million people. That’s really scary so we need to stop that,” sabi niya.
Hiniling din ni Lopez sa iba pang mayor sa Metro Manila na bawasan, kung hindi man maitigil, ang pagtatapon ng basura sa itinuturing na pinakamalaking open dumpsite sa bansa.
Hindi pa nagbibigay ng komento ang city government tungkol sa kautusan ng DENR.
Samantala, umapela ang Quezon City government kay Lopez na ikonsidera ang agarang pagpapasara sa landfill dahil madidiskaril nito ang solid waste management system ng lungsod.
“The Quezon City government is addressing every necessary step to address the concerns of the DENR Secretary. To this extent, the Quezon City government is appealing to Secretary Lopez that the city government be given sufficient time to prepare for all the vital adjustments to ensure minimal impact to the city’s solid waste management plan,” ayon sa QC Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD). (Vanne Elaine P. Terrazola and Chito Chavez)