BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) – Nagbigay ng ultimatum si Police Chief Supt. Eliseo Rasco, Philippine National Police (PNP) regional director hanggang April 15, 2017 upang wakasan ang iligal na droga sa mga drug-affected barangays sa rehiyon dos.
Si Rasco ay bumisita kamakailan sa Nueva Vizcaya upang makipagpulong kay Governor Carlos Padilla at pasinayaan ang bagong gawa na PNP officers’ quarters sa bayang ito.
Ani Rasco, nasa 488 na komunidad pa lamang mula sa 1,547 drug – affected barangays sa rehiyon dos ang cleared barangays.
Ayon kay Rasco, dapat pag-ibayuhin ng mga pulis ang kampanyang ito upang ma-clear na lahat ang mga drug-affected barangays sa rehiyon sa darating na Arpil 15 deadline.
“Gawin ninyo ang dapat gawin upang ma-clear na ang mga drug-affected barangays sa inyong nasasakupang lugar,” pahayag ni Rasco.