GALING naman ni Xia Vigor, ang 7-year old child star na gumaya kay Taylor Swift sa “Your Face Sounds Familiar Kids.”
Nag-worldwide trending ang panggagaya ni Xia at napanood ang performance niya sa iba’t ibang global news sites.
Sa guesting ng bagets sa “Magandang Buhay” with her mom, ibinalita ng huli na kinontak sila ng fans ni Taylor Swift dahil gusto nitong makilala in person si Xia. Bongga!
British ang father ni Xia. Napapanood ang bagets sa “Langit Lupa” sa ABS-CBN before “It’s Showtime.”
Excited
Nag-taping na si Congressman Alfred Vargas sa “Encantadia.” Aniya, talagang pinaghandaan niya ang kanyang pagbabalik-TV. Nag-gym siya, nag-diet, no rice, no chocolates.
Sweet tooth siya, pero nagsakripisyo siyang huwag munang kumain ng chocolates. Gumaganap ang actor-politician bilang Amarro, ama ni Aquil (Rocco Nacino) sa naturang telefantasya ng GMA.
Si Vargas ang gumanap bilang original Aquil at aniya, natutuwa siyang si Rocco ang gumaganap ngayon ng nasabing role dahil isa itong magaling na aktor.
Excited si Vargas noong first taping day niya at nagpakuha pa sila ng picture ni Rocco kasama sina Diana Zubiri, ang original Danaya at Sanya Lopez na siyang gumaganap ngayon bilang Danaya.
Pagod na
“Breaking News: Solenn Heussaff Pagod Na Raw Maging Perfect!” ’Yan ang post ng “Encantadia” star sa social media.
Dahil daw ’yun sa kanyang funny costume na parang naka-mascot.
Nag-react ang maraming netizens na kahit daw gano’n ang costume ni Solenn, perfect pa rin ito para sa kanila. ’Andun pa rin ang confidence niya. Oo nga naman! Kahit ano naman ang isuot ni Solenn, confidently beautiful siya.
May interpreter kaya?
Agree ang karamihan ng Pinoy sa payo nina Gloria Diaz (Miss Universe 1969 ) at Liza Dino-Seguerra (FDCP chairperson) kay Maxine Medina, representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 na kumuha ng interpreter sa gaganaping coronation night on Jan. 30.
Anang mga kababayan nating Pinoy, walang masama kung kumuha ng interpreter si Maxine. Mas maipapahayag niyang mabuti ang gusto niyang sabihin kung Tagalog ang gagamitin niyang salita sa itatanong sa kanya sa Q & A. May mga namba-bash kasi kay Maxine sa pagsasalita niya ng English.
Abangan natin kung may interpreter si Maxine sa coronation night. Marami ang nagdarasal na sana’y makabilang siya sa Top Five. Nagpahayag si Gloria Diaz na one in a million ang chance ni Maxine na manalo. Well… opinion ’yun ni Ms. Gloria.