Patay ang isang hinihinalang drug pusher pagkatapos manlaban umano sa mga pulis sa isang anti-drug operation sa Quezon City noong Biyernes ng hapon.
Kinilala ng Quezon City Police District ang suspect na si alias “Payat” na tinatayang nasa 30 hanggang 35-years-old.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng QCPD Station 6 ng anti-drug operation laban kay Payat at dalawang hinihinalang kasama nito sa pagtutulak na sina alias “Kuya” at “Ate.”
Mga kilabot umano na drug pushers ang mga suspect sa Quezon City at iba pang bahagi ng Metro Manila. Nakita si Payat sa isang bahay sa Azucena St., Area A, Barangay Payatas na kung saan nakabili ang isang police poseur-buyer ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng P500.
Nakahalata ng suspect na pulis ang binentahan niya at bumunot ng baril. Pinaputukan mga ang pulis na gumanti ng putok at nasawi ang suspect dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Narekober sa suspect ang baril, buy-bust money, dalawang sachet ng hinihinalang shabu, at patalim. (Vanne Elaine P. Terrazola)