Tinangay ng mga magnanakaw ang P657,000 sahod ng mga manggagawa ng isang construction company sa Quezon City, ayon sa report ng police kahapon. Base sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station (PS-10), nadiskubre ang panloloob dakong 5:30 p.m. noong Sabado sa 1st Floor Engineering Office ng Dream Makers Phil.
Construction Company (DCCI) na matatagpuan sa TSQ Building, 1618 Quezon Avenue, Brgy. South Trangle, Quezon City.
Ayon sa police, bubuksan na sana ni Engineer Roel David ang kanilang opinsina nang mapansin niyang nawawala ang safety vault ng kompanya. Kaagad na naghanap ang DCCI company employees sa paligid ng TSQ building hanggang sa matagpuan nila ang safety vault na wala nang laman sa tower basement. (Francis T. Wakefield)