Target ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mabawasan ng 30 percent ang insidente ng illegal recruitment at human trafficking sa bansa.
Ginawa ni Labor Undersecretary Dominador Say ang pahayag noong Martes matapos siyang italaga ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III bilang bagong officer-in-charge (OIC) ng POEA.
“During the target setting (session) last Tuesday, I said we will be aiming for 30 percent reduction of illegal recruitment and human trafficking incidents,” sinabi ni Say nang kapanayamin ng reporters noong isang lingo.
Ang hakbang, ayon sa kanya, ay bahagi ng kautusan ni President Duterte sa mga awtoridad na habulin ang illegal recruiters at human traffickers. (Samuel P. Medinilla)