Sasampahan ng kaso ng Metropolitan Manila Development Authority ang may-ari ng 18-wheeler trailer truck na tumagilid sa daan at nagdulot 15 oras na traffic sa kahabaan ng Commonwealth sa Quezon City noong nakaraang Huwebes.
Kasama sa isasampang kaso laban sa DV Lindo Construction, registered owner ng truck, ang negligence resulting to damage to property kasabay ng pagsuspinde sa LTFRB franchise nito.
Naganap ang aksidente dakong 3 a.m. noong January 19 nang biglang tumagilid ang 18-wheeler truck na minamaneho ni Jorge de Asis at nasira nito ang center island at lamp post sa Commonwealth Avenue malapit sa Philcoa.
Sinabi ni MMDA General Manager Tim Orbos na nahirapan ang mga tauhan ng ahensiya sa pag-alis ng truck sa kalsada dahil hindi kaya ng kanilang equipment na hilahin ang malaking sasakyan.
“We don’t have the equipment to carry such heavy vehicle from the site so it took hours before we cleared the area,” sabi ni Orbos.
“This incident will set in motion our action to pursue legal retribution against operators of vehicles specially cargo trucks which do damage to government properties and cause traffic congestion and much inconvenience to the public,” dagdag pa ni Oros. (Anna Liza Villas-Alavaren)