LUCENA, Quezon (PIA) – Naglaan ng pondo ang Department of Science and Technology 4A para sa proyektong paglalagay ng tsunami/storm surge detection sensors sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon.
Sinabi ni Provincial Civil Defense Coordinator Henry Buzar na kailangang magsumite ng project proposal sa DoST 4A ang mga lokal na pamahalaan o mga bayan partikular ang mga malapit sa tabing dagat kung saan nakalagay sa project proposal ang lugar na pagtatayuan ng tsunami/storm surge detection sensor.
Magkakaroon din ng memorandum of understanding na isusumite sa DoST na lalagdaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at DoST ang mga project proposal na maaaprubahan.
Sinabi pa ni Buzar na prayoridad sa paglalagay ng detection sensor ang mga ARMOR coastal municipalities sa lalawigan ng Quezon.
Ang tsunami/storm surge detection sensor ang siyang magde-detect kung may tsunami at storm surge sa isang lugar upang makapaghanda rin ang mga local disaster risk reduction and management council at ng mga mamamayan ng Quezon.