Nalunod ang isang 11-taong gulang na lalaking estudyante habang naglalaro at lumalangoy sa tubig baha sa Malabon City noong Linggo ng hapon.
Kinilala ng police ang biktima na si Justin Cesninos, residente ng Barangay Panghulo, Malabon. Base sa imbestigasyon, naglalaro si Cesninos at mga kaibigan sa tubig baha sa Artez Compound, Rodriguez St., Barangay Panghulo, Malabon, nang maganap ang insidente.
Ayon sa mga kaibigan ng bata, nalunod si Cesnino nang pumunta siya sa malalim na bahagi ng baha. Kaagad na ipinagbigay alam ng mga kalaro sa magulang ng biktima ang insidente.
Dead on arrival sa San Lorenzo Ruiz Hospital si Cesninos, ayon sa police. (Jel Santos)