AS of presstime, wala pang official statement sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla hinggil sa isyung diumano’y buntis ang Kapuso actress at “Encantadia” star, courtesy of Aljur.
September last year inamin nina Aljur at Kylie na nagkabalikan sila. May tsika pang diumano’y nagli-live-in na sila sa bahay ni Aljur somewhere sa QC. No denial, no confirmation mula sa dalawa.
’Yun diumano ang dahilan kaya humiwalay ng tirahan ang parents at siblings ni Aljur. But then again, no denial, no confirmation mula kay Aljur at sa kanyang pamilya. Hindi nga sila nagkasama noong nakaraang Pasko at Bagong Taon.
Si Kylie naman, umalis na sa management company ni Bechay Vidanes. No denial, no confirmation ang huli hinggil sa pregnancy issue kay Kylie.
Kapag nawala ang karakter niya bilang Amihan sa “Encantadia,” kaduda-dudang nasa interesting stage nga siya.
Kaabang-abang ang mga kaganapan this week sa “Encantadia.” Sanib-puwersa na ang mga sang’gre sa pagkalaban kay Hagorn (John Arcilla).
Just curious, nakarating na kaya kay Robin Padilla ang pregnancy issue sa anak niyang si Kylie? Kung totoong buntis si Kylie kay Aljur, ipakasal kaya sila ni Robin? Matatandaang may pahayag noon si Robin na gusto niya, kapag nag-boyfriend ang mga anak niya, tuloy kasalan na ’yun.
Nagpakasal na?
Natsismis na diumano’y nagpakasal na abroad sina Enrique Gil at Liza Soberano. Diumano’y mag-asawa na ang turingan nila. No denial, no confirmation ang dalawa.
Mas marami ang hindi naniniwala sa bali-balitang ito. Iniisip nilang hindi raw kaya pang-promo lang ’yun? May movie kasi sina Liza at Enrique, “My Ex and Whys” na malapit nang ipalabas.
Valentine offering ito ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Cute ang trailer ng movie. Patikim pa lang’yun. For sure, maraming kilig-kiligang eksena ang mapapanood ng LizQuen fans sa kabuuan ng pelikula. Knowing direk Cathy, na-master na niya kung paano pakiligin ang moviegoers sa mga romcom movies na ginagawa niya.