Sold out na ang mga tickets para sa Miss Universe, isang linggo bago ang coronation night sa January 30 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito ay kinumpirma ni Department of Tourism Undersecretary for Media Affairs Kat de Castro sa kanyang social media account kahapon.
“The tickets for the coronation show are now sold out,” sinabi ni De Castro sa kanyang official Twitter account.
Nagsimulang magbenta ng tickets para sa Miss Universe noong December 20. Nagkakahalaga ang mga tickets ng VIP P50,000, P25,800 Lower Box, P23,800 Lower Box B, P4,800 Upper Box, at P2,000 General Admission.
Mapapanood ang beauty pageant sa buong mundo at magsisimula ng 8 a.m. (PNA)