Pinahinto ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang illegal na operasyon ng tatlong transport networking services.
Sa magkahiwalay na pahayag na ipinalabas kahapon, inutusan ng LTFRB ang carpooling service Wunder at motorcycle taxi service Angkas na ihinto kaagad ang kanilang operasyon dahil hindi sila nakipag-coordinate sa LTFRB.
Nauna nang ipinahinto ang operasyon ng CitiMuber dahil hindi ito accredited ng ahensiya. Napag-alaman na ang, isang Germany-based transport service, ay nagsimulang magbiyahe ng mga pasahero noong February 2016 sa Metro Manila at iba pang lungsod sa mga lalawigan tulad ng Cebu.
Sinisingil nito ang mga pasahero ng R60 kada 15-kilometer trip. Samantala, ang Angkas naman ay isang Filipino motorbike service na kumukuha ng mga pasahero sa Manila, Pasay, Taguig, Makati, at Pasig.
Sinisingil nito ang mga pasahero ng P50 para sa unang dalawang kilomentro at dagdag na R10 sa mga susunod pang kilometro. (Vanne Elaine P. Terrazola)