NAG-renew ng network contract sa GMA7 si Yasmien Kurdi at aniya, long-term ’yun. Mismong 28th birthday niya on Jan. 25 naganap ang contract-signing.
Wedding anniversary din nila ng non-showbiz international pilot husband niyang si Rey Soldevilla. Five years na silang kasal, ayon kay Yasmien, at may four-year old daughter sila named Ayesha. Bale 11 years na silang together, kabilang na ’yung boyfriend-girlfriend relationship nila.
Wala pa silang balak sundan si Ayesha dahil mahirap kumuha ng yaya. Nakailang palit na sila, ani Yasmien.
Natapos na ang “Sa Piling ni Nanay” at pinag-uusapan pa ang concepts/roles niya sa upcoming projects niya sa Kapuso Network. Meanwhile, may papasukan siyang top-rating teleserye at isang magandang karakter ang gagampanan niya.
Excited na siyang mag-taping, ani Yasmien.
Kasama sa bagong kontrata niya sa GMA ang paggawa niya ng album. “Nami-miss ko na ang pagkanta, out-of-town promo.
Gusto ko, love songs para sa gagawin kong album,” ani Yasmien.
Gusto rin niyang gumawa ng indie films. Plano rin niyang magtayo ng business with her friends. “Gusto ko, may kinalaman sa pagpapaganda. Gusto kong mag-aral ng pagme-make-up. Gusto ko ring mag-aral ng culinary arts,” saad ni Yasmien.
Gusto rin niyang balikan ang pag-aaral. Less than a year nalang at matatapos na siya ng nursing. Nag-asawa kasi si Yasmien, kaya nahinto siya sa pag-aaral.
Nabastusan
Hindi nagustuhan ni Aljur Abrenica na pinangunahan sila ng management company ni Kylie Padilla sa pag-announce ng kanilang engagement. Sa panayam sa kanya ng Pep, sinabi ni Aljur na nabastusan siya sa ginawa ng management company ni Kylie. Ni hindi man lamang nagpasintabi sa kanya. Kinumpirma niyang buntis si Kylie at nagli-live-in na sila sa bahay niya (Aljur) sa QC.
Ayon kay Aljur, bago pa lumabas ang pregnancy issue kay Kylie, tatlong beses na siyang nag-propose ng kasal. Una’y noong October 2016 noong nagbakasyon sila sa Japan. Ikalawa’y noong November. Pag-uwi nila galing Japan ay nag-live-in na sila ni Kylie.
Could it be the reason why humiwalay ng tirahan ang parents at mga kapatid ni Aljur?
Pangatlong proposal ni Aljur ay noong bumili siya ng engagement ring na pinag-ipunan niya. Aniya, nag-live-in sila ni Kylie para malaman kung compatible sila sa isa’t isa. Ayaw nilang magaya sa ibang married showbiz couples na naghiwalay dahil sa personal differences.
Samantala, sinabi ni direk Mark Reyes na bagaman pinatay ang karakter ni Kylie bilang Amihan sa “Encantadia,” hindi pa ’yun ang katapusan ng istorya ni Amihan. Marami pang twists at magic na magaganap.