MAY ibang bata na excited ma-ging teenager, pero iba ang Kapuso child actress na si Mona Louise Rey dahil hindi siya excited na maging isang teen.
Sa August ng taong ito ay turning 13 years old na si Mona Louise.
Pero ayon sa kanya, gusto pa rin daw niyang bine-baby siya.
“Ayoko pa po maging teenager. Gusto ko baby pa rin ako!” tawa pa niya.
“Sinasabi po ni mommy na ibahin ko na raw ang kilos ko kasi magiging teenager na ako.
“Matagal pa naman po iyon. Kaya baby pa muna po ako.”
Kapag tinatanong si Mona Louise kung may crush na ba siya sa mga aktor sa showbiz, ang sagot niya ay wala.
“Wala po talaga akong crush dito sa atin.
“Isa lang po ang gusto ko, si John Cena, ’yung wrestler. Parati ko kasing pinapanood ang mga videos niya.
“Wala pa po akong nagiging crush na artista sa atin.
“Tanungin n’yo po ako ulit kapag nag-13 years old na ako,” tawa pa niya ulit.
Marami ang nagtataka kung bakit hindi pa rin tumatangkad si Mona Louise? Ang kasabayan at kaedad niyang si Jillian Ward ay tumangkad na at dalagang-dalaga na ang hitsura.
Paliwanag ng ina ni Mona Louise na si Mrs. Fatima Marbella, pinatingin naman daw nila si Mona sa isang doktor at wala raw kinalaman ang sakit nitong diabetes kung bakit hindi pa ito tumatangkad.
Ayon kay Mommy Fatima: “Late bloomer lang daw po si Mona.”
Ang ibig sabihin ay wala pa raw menstrual period ang kanyang anak.
“Pareho kami ni Mona noong mag-teenager ako. Maliit din ako noon.
“Late din ako nagkaroon ng period noon.
“Pero noong magkaroon na ako, bigla akong lumaki. Baka gano’n din ang mangyari kay Mona,” patuloy na paliwanag ni Mommy Fatima.
Unang nakilala si Mona Louise sa GMA-7 teleseryeng “Munting Heredera” noong 2011. Six years old pa lang siya noon.
Lumabas din siya sa iba pang mga teleserye tulad ng “Aso ni San Roque,” “Bukod Kang Pinagpala,” “Magkano Ba ang Pag-ibig?,” “Villa Quintana,” “Paraiso Ko’y Ikaw,” “Carmela,” “Rhodora X,” “My BFF” at ngayon sa “Hahamakin ang Lahat.”
(RUEL J. MENDOZA)