Ipagagamit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Roxas Boulevard service road sa mga motorista para mabawasan ang traffic sa southern Manila.
Sinabi ni MMDA officer in charge Tim Orbos na nasasayang lamang ang service road mula Paranaque City hanggang Manila City dahil ginagawa lamang itong parking area.
“It’s not parking areas in the first place but a number of vehicles are obstructing if you look at the stretch of Roxas Boulevard,” ayon kay Orbos.
Ang mga nakaparadang sasakyan ay karaniwang pag-aari ng mga manggagawa o di kaya’y kliyente na pumupunta sa government buildings, private companies at commercial establishment na nasa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Ayon pa kay Orbos, nagpadala na sila ng mga liham sa mga establishments na nasa Roxas Boulevard para sa planong pagsasagawa ng clearing operations para sa road obstructions sa naturang lugar.
“We sent letters to Ospital ng Maynila, Central Bank, Department of Finance, Philippine Amusement and Gaming Corporation plus Japan embassy and Embassy of the United States,” sabi ni Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)