MARAMING fans sa social media ang tambalang ToMiho nila Tommy Esguerra at Miho Nishida kaya hindi malayong maraming sumuporta sa unang pelikula nilang “Foolish Love” na produced ng Regal Entertainment.
Co-stars pa ng ToMiho ay sina Jake Cuenca at Angeline Quinto.
Nabuo ang ToMiho team-up dahil sa reality show ng ABS-CBN 2 na “Pinoy Big Brother 737” noong 2015.
At dahil first movie nila ang “Foolish Love,” kabado ang ToMiho loveteam dahil na rin sa direktor nilang si Joel Lamangan.
“It was a good experience for me and Miho. It’s really my dream to make a movie with Miho as my partner.
Naging madali raw kay Miho na maging sweet siya kay Tommy sa movie dahil sa relasyon nila sa totoong buhay.
“Nakatulong po siguro na kilala na namin ni Tommy ang isa’t isa kaya maganda lumabas ang mga eksena namin.
“Medyo kabado rin po ako kasi first movie namin at si direk Joel pa ang humawak sa amin. Pero nag-enjoy po kami talaga.”
Sa totoong buhay ay wish nga ng ToMiho na tumagal ang relasyon nila.
Ayon kay Miho: “Ayoko rin ng papalit-palit ng boyfriend. So sana, kami na nga po ni Tommy forever.”
May isang anak na si Miho mula sa dating boyfriend nito. Wala raw problema kay Tommy na siya ang kilalaning ama nito.
“Okay lang po sa akin. Because naging close na rin ako sa anak ni Miho.
Kasalukuyang napapanood ang ToMiho loveteam sa ABS-CBN 2 teleseryeng “Langit Lupa.” (RUEL J. MENDOZA)