NAKAUSAP na ni Aljur Abrenica sa telepono ang mommy ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco kaugnay ng pregnancy issue sa aktres. Sinabi niyang mahal niya si Kylie.
Looking forward si Aljur na makausap naman ang papa Robin ni Kylie. Naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon.
Sa interbyu kay Kylie ng Pep.ph, sinabi niyang tinawagan agad niya ang kanyang mommy noong nalaman niyang positive ang pregnancy test sa kanya. Sinabihan siya nitong huwag ipapalaglag ang bata.
Sa interbyu naman ng “24 Oras,” sinabi ni Kylie na nag-dinner sila ng kanyang papa Robin. Bago pa man niya masabing buntis siya, inunahan na siya nito, “Buntis ka, ’no?” Sinabihan daw siyang alagaan ang magiging apo nito.
So, wala naman palang violent reaction ang soon-to-be lolo.
Bago pa pala lumabas ang pregnancy issue, pati ang engagement nina Kylie at Aljur ay alam na ni Robin. Hindi lang siya nagsasalita.
Inaabangan naman ang paghaharap nina Robin at Aljur.
Kalbo talaga?
Ano naman kaya ang katotohanan sa tsikang diumano’y kalbo na talaga si Angel Locsin? Na diumano’y wig lang ’yung short hair niya ngayon na nai-post sa social media ng friend niyang si Bubbles Paraiso.
Kuha ’yun nu’ng nagpunta sila sa The Farm sa San Benito, Lipa, Batangas. Sa isang picture ni Angel na nag-swimming siya, mukha namang hindi wig ang wet hair niya.
Duda ng fans ni Angel, sinisiraan lang ang kanilang idolo. Ang tsika pa, nakalbo si Angel dahil diumano sa hair treatment na ginawa sa kanya sa isang salon. No denial, no confirmation si Angel. Bakit nga ba nananatili siyang tahimik sa kalbo issue sa kanya? Paduda effect ba?
Enjoy
Ang stars ng “Meant to Be” na sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ken Chan, Addy Raj at Ivan Dorschener ang guests sa “People vs. The Stars” ngayong Linggo.
Masagot kaya nila ang tricky questions na ibabato sa kanila nina Drew Arellano at Iya Villaniya?
Thankful ang mag-asawa sa magandang feedback sa PVSTS na inaabangan every Sunday sa GMA7 at 5 p.m. ’Kaaliw kasi ang tricky questions. Nag-e-enjoy ang celebrity guests, pati ang studio audience sa pagsagot.