INAMIN ni Paulo Avelino na dati na niyang crush si Maja Salvador kahit noong wala pa siya sa ABS-CBN.
“Kasi naaaliw ako kay Maja. Si Maja simple lang e. Actually, maganda siya, nabibighani talaga ako kay Maja ever since,” sabi ni Paulo nang mag-guest sila ni Maja sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”
Type niya ba talaga yung beauty ni Maja? “Oo, morena, Pinay.”
Nagkasama na sa dating ABS-CBN teleseryeng “Bridges of Love” sina Paulo at Maja noong 2015. Kahit na matagal na niyang crush si Maja, hindi raw nagtangka si Paulo na ligawan ang aktres.
Paliwanag ng aktor, “Nung time na iyon may boyfriend yata siya, so ayoko talagang pumapasok (sa may karelasyon).”
Kung walang idine-date si Maja ngayon, pwede niya bang ligawan ito? “Well, ako, hindi naman malabong mangyari. Like I said, okay si Maja e, ugali, looks. Pero ’yun busy talaga sa trabaho kaming pareho ngayon.”
May pahabol pang biro si Paulo, na pareho nilang tinawanan ni Maja, “Siguro pag pareho na kaming walang career.
Pangit!”
Samantala, reunited sina Paulo at Maja sa pelikulang “I’m Drunk, I Love You,” na ipalalabas sa mga sinehan simula Pebrero 15. (GLEN P. SIBONGA)