Patay ang isang lalaking may epilepsy nang mahulog mula sa 14th floor ng isang condominium sa Sampaloc, Manila, kahapon ng umaga.
Base sa imbestigasyon ng police, umuwi ang 28-taong gulang na biktima na si John Kerwin Lipurada, cook ng Calalang Law Office, mula sa isang inuman kasama si Atty. Ciaryaco Calalang sa EspaƱa Tower bandang 3:30 a.m.
Ayon kay Norman Ricaforte, paralegal enforcer ng naturang law office, naulinigan niya si Calalang na may pinipigilang tao na tumalon mula sa balcony ng condominium unit.
Nang tingnan niya ang kinaroroonan ni Calalang, nakita niya si Lipurada na nasa itaas ng air-conditioning unit na nakakabit sa labas ng balcony.
Tumakbo saiya patungo sa biktima para pigilan siyang tumalon ngunit huli na ang lahat.
Napag-alaman na tumama muna ang biktima sa electric lines bago lumagpak sa daan.
Dinala ang katawan ni Lipurada sa Archangel Funeral Homes habang patuloy pang sinisiyasat ang insidente.
(Jaimie Rose R. Aberia)