NAGBALIK-tanaw si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee sa naging experience niya noong lumaban siya sa Miss Universe 2011 sa Sau Paolo, Brazil.
Kuwento ni Shamcey, sobra raw siyang na-homesick noon at gusto na raw niyang mag-quit at umuwi na lang sa Pilipinas.
Pero dahil sa encouragement ng kanyang boyfriend at asawa na ngayon na si Lloyd Lee, sinabihan siyang maging matatag at gawin ang makakaya niya para ma-represent ang Pilipinas.
“Lloyd and I were talking over Skype almost every day kasi sobra akong naho-homesick. Hindi ako sanay na wala ang mga mahal sa buhay ko sa tabi ko.
“Witness si Lloyd sa mga pag-iyak ko noon and I almost went home!
“Pero it was Lloyd who said that I won Miss Philippines for a reason – may reason kung bakit ako nasa Brazil competing for Miss Universe. Make my countrymen proud.
“So doon na ako nagkaroon ulit ng confidence to go on with the competition.
“That’s why I am proud to be his wife. He has been my rock – siya ang nagpapalakas parati ng loob ko when I’m down. I am lucky to be his wife and mother to his child,” ngiti pa ni Shamcey.
Noong nakaraang Jan. 24, nag-celebrate ng 1st birthday ang kanilang baby girl na si Nyke Lee, kasabay ng grand opening ng bagong branch ng kanilang restaurant na Pedro ’n Coi sa Sta. Lucia East Mall.
Hiningan namin si Shamcey ng ilang comments sa Philippine representative nating si Maxine Medina.
Sey niya’y masuwerte raw si Maxine na dito sa Pilipinas ginawa ang Miss Universe. Hindi na raw ito bumiyahe nang malayo at nalayo sa kanyang pamilya.
“Maxine is lucky because her family is just by her side anytime.
“Yun ang advantage na dito sa Pilipinas ginawa ang Miss Universe. She can see her family anytime.
“Tsaka ang support ng kababayan natin ay mararamdaman mo nang sobra.
“When I was in Brazil, I think mga sampu lang ang mga Pinoy na nandoon rooting for me. Dito, Maxine has the whole country behind her. (RUEL J. MENDOZA)