TINE-tresure pa rin hanggang ngayon nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal ang kanilang loveteam at pagiging magkaibigan.
Loveteam nga ang pakilala ni Jolina kay Marvin nang mag-guest ang aktor sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay,” kung saan isa sa hosts si Jolina kasama sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.
Tinanong tuloy ni Melai kung bakit hanggang ngayon ay loveteam ang tawagan ng dalawa? “Kasi loveteam ko siya e,” sagot ni Jolina. “Parang pakiramdam ko kahit sino pa ang i-loveteam sa akin, parang siya yung forever na loveteam ko talaga.”
Isa nga sa tumatak na tambalan nina Marvin at Jolina ay naganap sa pelikulang “Labs Kita, Okey Ka Lang” noong 1998.
Ang movie nilang ito ay muling ipinalabas sa ilang piling sinehan matapos sumailalim sa digital restoration ng ABS-CBN Film Restoration bilang bahagi ng kanilang cinema classics project.
Bagama’t gusto ng fans nina Marvin at Jolina na sila ang magkatuluyan sa totoong buhay, hindi nga ito nangyari. Si Jolina ay masaya sa piling ng kanyang asawang si Mark Escueta at anak na si Pele. Wala pang asawa si Marvin pero may anak siyang kambal na sina Sebastian at Santiago.
Tanong tuloy ni Jolina kay Marvin kung bakit wala pa siyang asawa? “Siguro yung readiness ng tao. Pag tumatanda ka na kasi hindi na lang pagmamahal ang kailangan para magtaguyod ng isang relasyon. In fact, every time I see a happy couple like you and Mark, like Melai and Jason (Francisco), trabaho ang relasyon e. Pero pag tama yung taong kasama mo, kahit mahirap magiging masarap at masaya. And it takes more than love but commitment, trust,” sabi ni Marvin.
Paano kung dumating yung “the one,” pero may businesses kang inaasikaso at marami ka pang ginagawa? “Pag magmamahal ka, mahahanapan mo ng oras iyan. Hindi magiging rason ang lahat ng bagay. Dapat ’yung pagmamahal na iyon magiging inspirasyon sa lahat ng gagawin mo.’’
Wala raw girlfriend si Marvin ngayon. Pero nakikipag-date ba siya? “Yeah, definitely. Ako laging bukas ang puso ko, kasi alam kong masarap magmahal e.’’
Sa isang bahagi ng show, inamin ni Marvin, “I think I’m ready now to fall in love again.” (GLEN P. SIBONGA)
860640 694241Most beneficial human beings toasts ought to amuse and present give about the couple. Beginner audio systems previous to obnoxious throngs would be wise to remember often the valuable signal employing grow to be, which is to be an individuals home. finest man speech examples 850458
343841 740341Rattling clean internet web site , thanks for this post. 493496
595998 430027Great post, I believe website owners need to acquire a lot from this internet website its quite user pleasant. 629631
20896 756177I saw a great deal of website but I believe this one contains something particular in it in it 325190
189110 657818When I initially commented I clicked the -Notify me when new comments are added- checkbox and now each time a remark is added I get four emails with exactly the same comment. Is there any manner you possibly can take away me from that service? Thanks! 539807
60556 849814Some truly good stuff on this site , I it. 495425
716105 878501Your writing is fine and gives food for thought. I hope that Ill have more time to read your articles . Regards. I wish you that you regularly publish new texts and invite you to greet me 193469