KORONADAL, South Cotabato, (PIA) – Walong proyektong kalsada na may kabuuang halaga na P366.93 milyon ang ipatutupad ngayong taon sa South Cotabato.
Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Provincial Engineer Marnilo Aperocho na ang mga nasabing proyekto ay ipatutupad sa ilalim ng Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP) for Road Repair, Rehabilitation and Improvement ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang CMGP ang kapalit ng binuwag na KALSADA Project ng DILG.
Ang mga proyektong kalsada na ipatutupad ng Provincial Engineering Office ay ang Talcon-Aflek Road at Aflek-Malugong Road sa mga bayan ng Tboli at Polomolok, Maltana-Lambayong Road saTampakan National Highway-Silway 8-Silway 7 Road at Klinan 6-Cannery Road sa Polomolok, National Highway Junction-M. Roxas-Poblacion Sto. Nino Road sa Sto Niño Banga-Lamba-Derilon-Lampari Road sa Banga at Surallah at National Highway Junction-Colungulo-Moloy-Duengas Road sa Surallah at Sto. Niño. Ang walong proyekto ay may kabuuang haba na 33.74 na kilometro.
“These road projects will be financed under the Conditional Matching Grant to Provinces (CMGP) of the Department of the Interior and Local Government (DILG),” ani Aperocho.