Mistulang honeymooners sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa mga ipinopost nilang pictures sa social media. Mula sa “Sikat Ka Kapuso” show nila sa Long Beach California, USA, tumuloy sila sa Finland kung saan nag-celebrate sila ng Chinese New Year.
Sa Kakslauttanen Arctic Resort sila nag-stay na napag-alaman naming ang overnight stay ay katumbas ng P24,896.00 sa pera ng Finland. Ilang araw at gabi kaya roon sina Dennis at Jennylyn?
Talagang itinaon nila ang paglabas ng aurora borealis (northern lights) sa langit na green and purple ang dominant colors.
Maraming beses nang magkasamang nagta-travel abroad sina Dennis at Jennylyn. Kasal na lang ang kulang sa kanilang relasyon na hinihintay ng kanilang fans. Family member na ang turing kay Jen ng mga Ho (tunay na apelyido ni Dennis).
Kinarir
Talagang kinarir ni Martin del Rosario ang tatlong major festivals ngayong January. Nag-join siya sa Ati-Atihan, Sinulog at Dinagyang.
Dream come true sa kanya ‘yung Sinulog. Ani Martin, parati niyang nilu-look forward na makapag-participate siya sa Sinulog Festival sa Cebu.
Sobrang thankful siyasa GMA Network na this year ay isinama siya sa ibang Kapuso stars para maging bahagi ng Sinulog Festival. “Napaka-accommodating ng mga Cebuano. Ang sarap ng feeling na we’re very much accepted from Gaisano Mall to Ayala Mall. Grabe! Ang daming tao. Nakakapagod, pero ang saya-saya. May mga nagbibigay pa ng gifts at pasalubong,” ani Martin.
Siyempre, hindi niya pinalampas ang Cebuano delicacies. Pinakapaborito niya ang lechon Cebu. “I really love it , pati ‘yung ibang native kakanin. Sana maulit muli,” Martin said.
Baby muna
Wala pang immediate na kasalang magaganap kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla matapos ipahayag ang kanilang engagement at amining buntis si Kylie.
Sa interbyu ng Pep.ph sa soon-to-be parents, anila, focused muna sila sa magiging baby nila. Mas mahalaga ang pagbubuntis ni Kylie, ang kanyang health at ang kalagayan ng kanilang baby. Nasa stage pa ng paglilihi si Kylie.
Hindi kaya pagkapanganak na ni Kylie at saka sila magpapakasal ni Aljur? Okey kaya ‘yun kay Robin Padilla na mauna munang lumabas ang kanyang apo kesa sa pagpapakasal ng anak niya kay Aljur?