KUNG ang mga chinito eyes ang unang napansin ni Julie Anne San Jose sa rumored boyfriend niyang si Benjamin Alves, para sa Kapuso actor, ang magandang lips at mga mata naman daw ni Julie ang unang nakaagaw ng pansin sa kanya.
Noong magkasama raw sila ni Julie sa isang workshop para sa teleserye nilang “Pinulot Ka Lang sa Lupa,” hindi raw maalis ang tingin niya sa mga mata at lips ng kanyang leading lady.
“Doon talaga ’ko tumingin. Parehong maganda ang lips at mga eyes ni Julie. They bring out the best in her,” ngiti pa niya.
Gusto na raw ipakilala ni Benjamin si Julie sa kanyang pamilya, pero nasa Guam ang buong pamilya niya. Napakilala na si Benjamin ni Julie sa pamilya nito bago sumapit ang Pasko.
Nangako naman si Benjamin na once na meron na siyang matagpuang babae na mamahalin, ipapakilala na niya ito sa kanyang family.
“Everything happens at the right time.
“My family is not here but they are very excited to meet her.
“I share pictures with them a lot, so alam naman nila ’yung nangyayari with me and Julie.
“They get to communicate naman kay Mommy, so we’re good.”
Nabanggit pa ni Julie na kapag kasama niya si Benj ay safe ang pakiramdam niya.
Natuwa naman si Benj dahil simula noong makilala niya si Julie, feeling niya ay kailangan niyang alagaan ito nang husto.
“There is something in Julie na kailangan kong protektahan siya. Especially sa mga namba-bash sa kanya sa social media.
“But I tell her na she should take the high road. Huwag na siyang mag-stoop down sa level ng bashers kasi siya rin ang kawawa.” (RUEL J. MENDOZA)