Nadakip ng Bureau of Immigration (BI) agents ang dalawang South Koreans na pinaghahanap ng police sa kanilang bansa dahil sa swindling.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang dalawang dayuhan ay nakakulong ngayon sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa habang hinihintay ang kanilang deportation sa Korea kung saan sila lilitisin sa mga nagawa nilang krimen.
“They are the latest casualties of our continuing campaign to rid our country of wanted foreign fugitives who come and hide here to evade prosecution and punishment for their crimes,” sabi ng BI chief.
Idinagdag pa niya ang mga nadakip na dayuhan ay hinti na makakapasok pa sa Pilipinas dahil naisama na sila immigration blacklist.
Unang naaresto si Jung Jaeyul, 38, noong Jan. 26 ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) sa loob ng kaniyang inuupahang unit sa Ohana Residences sa Las Piñas City.
Noon Feb. 1, isang Son Young Jo, 59, naman ang nadakip sa kanyang kuwarto sa Buma Building na matatagpuan sa Metropolitan Ave., San Antonio Village, Makati City.
Ang dalawa ay dinakip sa bisa ng isang warrant of deportation na ipinalabas ni Morente base sa summary deportation orders na ipinataw ng BI board of commissioners laban sa kanila. (Jun Ramirez)