May pinaghahandaan na mala-king project ang Kapuso hunk na si Martin del Rosario kaya malaki ang ipinayat niya ngayon.
Ayaw niya muna i-reveal kung ano ito, pero tiyak daw na pag-uusapan na naman daw ito ng marami.
“Masyado pang maaga to reveal it kasi. Kapag medyo malapit na, puwede tayong magbigay ng konting clue.
“For now, kailangan ma-maintain ko ang ganitong katawan. Hindi ako puwedeng tumaba ng husto or else pangit lalabas.
“I’ve been working out to make my body lean. Tapos I have a specific diet so I won’t gain too much weight.
“I know that this project will be worth all my sacrifices,” ngiti pa ni Martin.
Sa ngayon ay abala si Martin sa GMA-7 afternoon teleserye na “Pinulot Ka Lang Sa Lupa” kunsaan magiging ka-love triangle siya ng tambalang Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.
Marami ang nagtatanong kung kelan naman siya magbibida sa isang teleserye? ’Yung siya naman ang leading man at hindi lang support or kontrabida.
“Hindi naman tayo naghahangad na magbida talaga. I just want to do different roles. ’Yung makikita na nila na magaling akong artista.
“First and foremost, I am an actor and not just a movie star.
“I want to be known as a good actor.
“It doesn’t matter kung sexy role ba siya or drama role, basta ‘yung mailalabas ko ang galing ko,” diin pa ni Martin na nakapanalo na ng Gawad Urian best supporting actor for the indie film “Dagitab” in 2014.
May dream project si Martin, isang coming-of-age story na tungkol sa mga millenials na tulad niya.
“Gusto kong gumawa ng movie about the young people of today and how they differ from the youths of ten or twenty years ago.
“Yung may clash of idealisms and tradition. Wala pa akong nakikitang ganyan movie.
“Sana may makaisip ng ganyang klaseng movie at gusto kong gawin iyon,” pagtapos pa ni Martin del Rosario.
(Ruel J. Mendoza)