Parehong single ngayon ang mga bida ng pelikulang “I’m Drunk, I Love You” na sina Paulo Avelino at Maja Salvador.
Kaya posible raw na sila na lang ang maging magka-date sa February 14, Valentine’s Day.
“Well, Tuesday (February 14) kasi is taping day (for his upcoming ABS-CBN teleserye ‘The Promise of Forever’), tapos Wednesday (February 15) first day ng film namin. Pero malamang kami-kami rin ang magkakasama… mga grupo ng singles, samahan ng mga single,” biro ni Paulo.
Pag-alala naman ni Maja, noong isang taon daw ay sila ni Paulo ang naging magka-date sa V-Day. “Last year kasama ko si Paulo nasa US kami, may show kami. Nilibre niya ako ng lobster. Niregaluhan niya ako ng lobster, kasi gusto niya raw maging love-ster, charot!” sabay tawa ni Maja.
So, this year ba mauulit ang pagde-date nila kung bigla siyang yayain ni Paulo? “Ngayon kasi in-offer ko nga kay Vice (Ganda) na mag-guest ako sa concert niya. Alam ko parang may promo yata, karaoke night, parang may promo yata for ‘I’m Drunk, I Love You.’ Naka-stand by pa kung tuloy, pero ang pinakatuloy this Valentine’s Day is concert ni Vice.’’
Sa ngayon, excited sina Paulo at Maja dahil sa February 15 na nga ang showing ng “I’m Drunk, I Love You” produced by Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, and Artikulo Uno productions. Si JP Habac ang direktor ng romantic comedy movie.
Kasama rin sa cast sina Dominic Roco, Jasmine Curtis-Smith, Irma Adlawan, at Jim Paredes. Tampok sa pelikula ang mga kanta ng OPM artists na sina Juan Miguel Severo, Kai Honasan, Jimmy Bondoc, Parokya ni Edgar, Cynthia Alexander, 3D.
(GLEN P. SIBONGA)