“In denial,” “Complicated” ang magkaibang sabi respectively nina
Enrique Gil at Liza Soberano tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
“Masaya kami. Secret lovers,” dagdag pa ni Enrique nang kulitin sila ng entertainment writers sa presscon ng “My Ex and Whys.”
Aniya pa, hindi mahalaga ang label sa kanilang relasyon, kundi how they treat each other. “She’s my other half. Pero hindi pa siya ready,” he said.
“Si Quen ang hindi pa ready,” Liza blurts out. “He is very special to me. We complete each other. It’s getting there. Pag kami na talaga, magpapa-presscon kami.”
Ayon pa kay Liza, sobrang komportable siya kay Enrique. May eksena sila sa “My Ex and Whys” na naka-topless si Enrique. Kita ang excess bulge niya, pero ayon kay Liza, okey lang dahil ayaw niya sa lalaking may abs. Gusto niya ang katawan ni Enrique na parang baby.
Ayon pa kay Liza, may phobia siya sa lalaking nakahubad.
Nadidistract siya. Pero walang malisya kapag si Enrique.
Super close
Si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng “My Ex And Whys” na first time niya nakatrabaho sa pelikula sina Enrique Gil at Liza Soberano.
Ani direk Cathy, ibang-iba ang karakter nina Enrique at Liza. “Very far from who they are, kaya nahirapan ako ilipat ‘yung karakter nila. But I’m very proud of them. They did their best. Minsan, nakikita ko si John Lloyd Cruz kay Enrique. Ang galing niya. Si Liza, kahit nahirapan siya sa iba’t ibang emotions na hindi pa niya napagdaanan, she delivered very well,” wika ni direk Cathy.
Tsika pa niya, parang aso’t pusa sina Liza at Enrique sa set.
Nagkukulitan, nag-aasaran na sobrang close ng dalawa. “Nag-aayusan pa ng buhok,” ani direk Cathy.
Sa “My Ex and Whys,” ex-sweethearts sina Enrique at Liza bilang Gio at Cali. Hindi maka-move on si Cali sa pangangaliwa ni Gio.
Magkakasama sila sa isang proyekto na posibleng maging daan para magkabalikan sila. Patutunayan ni Gio na nagbago na siya, pero ayaw maniwala ni Cali.
Valentine offering ito ng Star Cinema na showing on February 15 sa mga sinehan nationwide.