Nagpalabas ang Sandiganbayan Fourth Division ng hold departure order (HDO) laban kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas matapos silang sampahan ng kaso dahil sa napariwarang police operation na nagresulta sa pagkamatay ng 44 na SAF troopers sa Mamasapano noong 2015.
Sina Purisima at Napeñas ay sinampahan ng mga kasong graft at usurpation of authority sa Sandiganbayan noong January 24, 2017 dahil sa kanilang pagkakasangkot sa Oplan Exodus, kung saan napatay ang international terrorist na si Zulkifli bin Hir, alias “Marwan” noong Enero 25, 2015.
Suspendido na si Purisima nang isagawa ang anti-terrorist operation ngunit siya pa rin ang nakialam sa operasyon sa halip na si Chief Leonardo Espina na siyang officer-in-charge noon ng PNP.
Direktang nagre-report si Napeñas kay Purisima sa halip na kay Espina tungkol sa Oplan Exodus, base sa report.
Ang kanilang operasyon ay nagtapos sa pagkamatay ng 60 katao kasama na ang 44 na SAF toopers.
“The Bureau of Immigration (BI) is hereby directed to bar/prohibit [Purisima and Napeñas] from leaving the Philippines for any destination abroad, either by air or sea transportation, except by prior written permission duly secured from and granted by this Court,” ayon sa order na pinirmahan ni division chairperson Associate Justice Alex Quiroz and members Associate Justices Reynaldo Cruz and Zaldy Trespeses. (Czarina Nicole O. Ong)