Marami ang naiinggit sa naging European vacation nila Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa bansang Finland dahil nasaksihan nila ang world famous na Aurora Borealis o ang tinatawag na Northern Lights.
Ang Northern Lights ayon sa Wikipedia ay “collisions between gaseous particles in the Earth’s atmosphere with charged particles released from the sun’s atmosphere. Variations in colour are due to the type of gas particles that are colliding.”
Magandang pumunta sa Helsinki, Finland this time of year dahil ang Northern Lights ay maliwanag na makikita for 10 to 20 nights between September and March.
Nag-stay sa sosyal at mamahalin na Kakslauttanen Arctic Resort sa Saariselkä, Finland sila Jen at Dennis dahil sa lugar na ito makikita ng malinaw ang Northern Lights gabi-gabi.
Sa tinatawag na Igloo Village, nag-stay ang dalawa sa isa sa specially designed Glass Igloos ng naturang resort kunsaan sa pag-higa mo ay mapapanood mo sa clear glass roof ang sumasayaw na Northern Lights.
Perfect ito para sa mga loving couples tulad nila Jen at Dennis at kumpleto pa ang kanilang Igloo with a fireplace, sauna, dining area at free WiFi kaya panay ang post ng dalawa ng mga nakakainggit na photos.
Ang three-night stay sa naturang five-star resort na ito sa Laplands ay nagkakahalaga ng 1200 euros or P63,972.75.
Additional 1000 euros para sa transportation at pag-try mo sa ilang activities tulad ng snowboarding, skiing at pagsakay sa sled na hinahatak ng Siberian Husky dogs or reindeers.
Sinamantala nila Jen at Dennis ang pagkakataon na ito na magbakasyon ng mahaba after ng kanilang successful show sa Long Beach, California na “Sikat Ka Kapuso” noong nakaraang January 22.
Pagbalik naman nila sa Pilipinas ay sasabak agad si Jen sa taping ng teleserye niyang “My Love From The Star,” samantalang si Dennis ay magsisimula na ng training niya for the Mulawin reboot na “Mulawin Vs. Ravena.”
(Ruel J. Mendoza)