Aminado si Liza Soberano na napi-pressure siya sa tuwing may bago siyang pelikulang ipapalabas. “Hindi ko kasi alam kung naka-deliver ako mabuti sa role na ginampanan ko. Pero I always wish na sana’y magustuhan at mag-enjoy ang mga manonood,” pahayag ng Kapamilya young actress.
May upcoming movie si Liza, “My Ex and Whys” with Enrique Gil na nagsabi namang ayaw niyang magpa-pressure kapag may pelikula silang ipapalabas. “Nakakabaliw ang magpa-pressure,” he said. “Basta iniisip ko na lang, ma-meet namin ang expectations ng moviegoers. We always do our best naman.”
Ayon pa kay Enrique, many times na silang nagkaroon ng misunderstandings ni Liza. Petty things lang naman na aniya, normal lang ‘yun sa kanilang dalawa. “Pag walang problema, nakakatakot,” ani Enrique. “In fairness, hindi naman ako pinapaiyak ni Quen,” sambit ni Liza.
May eksena sa “My Ex and Whys” na ayon kay direk Cathy Garcia-Molina ay napagalitan niya si Liza. Confrontation scene nila ‘yun ni Enrique at highlight ng movie. “Hindi kasi siya (Liz) nakikinig. Tsika siya nang tsika. Hirap siya hugutin ang emosyon dahil hindi pa kasi siya naka-experience ng pain,” wika ni direk Cathy.
Aniya, eight hours kinunan ang eksena. Binalikan pa nila na inabot ng two days. Pero proud siya kay Liza dahil naka-deliver ito mabuti sa kabuuan ng pelikula. Showing ang “My Ex and Whys” on February 15 sa mga sinehan nationwide.