After twenty years, balik-pelikula si Ara Mina sa Star Cinema. Kasama siya sa “My Ex and Whys” kung saan gumanap siya bilang nanay ni Liza Soberano.
“Alyas Pogi” with Bong Revilla ang huling pelikulang ginawa ni Ara sa Star Cinema na aniya, grateful siya na isinama siya sa “My Ex and Whys.” Kahit mother role, hindi siya nagdalawang-isip tanggapin ang project dahil dream come true na nakatrabaho niya si direk Cathy Garcia-Molina.
“Sana magkatrabaho kami uli”ani Ara sa presscon ng MEAW. Nag-enjoy din siya katrabaho sina Liza Soberano at Enrique Gil na very professional at marespeto sa senior stars tulad niya, ani Ara.
Sa presscon, natanong ang cast kung nagtanong ba sila sa kanilang exe’s ng why sila niloko o iniwan? Sabi ni Ara lahat ng ex-BF’s niya’y nagsabing mabait siya. Eh, bakit kaya iniwan siya ng mga ito? “Not meant to be siguro,” aniya.
Nasabi na rin daw niya sa kanyang ex-BF’s ang linya ni Liza sa “My Ex and Whys” ang, “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?” Pakisagot nga, Jomari Yllana, Mayor Patrick Meneses, ‘yung non-showbiz BF ni Ara, and who else?
Gandang-ganda
Gandang-ganda si Elizabeth Oropesa kay Sophie Albert, ang gumanap na young Fidela sa “Moonlight Over Baler.” Si Beth ang older Fidela.
“Matangkad, makinis at marunong siya umarte. Very impressed ako,” ani Beth.
Pinuri rin niya si Vin Abrenica na aniya, magaling din umarte. “Seryoso sa career at nagtatanong kapag hindi alam ang gagawin sa eksena. May mararating siya,” saad ng veteran actress.
Sa mga hindi pa nakakaalam, alternative doctor si Beth. Nag-aral siyang herbal medicine at acupuncture. Aniya, ‘yung may mga cancer na tinatanggihan ng hospital ang ginagamot niya.
EP album
Kasama ang “My Destiny,” theme song ng upcoming GMA teleserye “My Love From the Star” sa “Just Wright” EP (Extended Play) album ni James Wright under GMA Records .
Six songs at six backing tracks ang nakapaloob gaya ng “Ibig Bang Sabihin,” “Please Come Back,” “Open Up,” among others.
Ipinakita sa album ni James ang different side ng kanyang personality at talent as an artist. “Good vibes lang. Hindi puro senti, hindi puro masaya. Mixed talaga.”