By Mell T. Navarro
SI Matteo Guidicelli ang pinakabagong leading man ni Kim Chiu sa bago nitong horror film na ididirek ng master director na si Chito Roño mula sa Star Cinema.
First time magsasama nina Kim at Matteo sa “Ghost Bride,” kung kaya’t curious ang lahat sa bagong tambalan ng dalawa.
Sa loob ng ilang taon, na-kilala at sumikat si Kim sa mga dati nitong leading men na sina Gerald Anderson at Xian Lim – sa pelikula man o telebisyon.
Kamakailan ay ginanap ang story conference ng “Ghost Bride” sa Star Cinema office.
“Proud to represent my roots Filipino-Chinese in the #TheGhostBride from @starcinema,” post ni Kim.
Nagkasama sina Kim at Direk Chito sa dalawang Star Cinema movies na “The Healing” (2012) at “Etiquette For Mistresses” (2015).
Samantala, sa kanya ring Instagram account, laking pasasalamat ni Matteo sa pagkakataong makasama sa nasabing proyekto.
“Thank you @starcinema for this awesome opportunity. #Soon,” ang caption ni Matteosa litratong pinost niya.
Pasok rin sa cast ang seasoned actress na si Alice Dixson.
Hindi napigilan ni Kim ang kasiyahan sa kanyang posts dahil idolo niya umano si Alice.
“Ms Alice Dixon!! Omg! Fangirl here!!! #GhostBrideStoryCon,” masayang post ni Kim.
Kasama rin sa cast ng “Ghost Bride” sina JC Santos, Jerome Ponce, Victor Silayan, Mon Confiado, Beverly Salviejo, at Rio Locsin.