Patay ang isa umanong kilabot na holdaper ng mga business establishments sa Metro Manila ng manlaban siya pagkatapos masukol ng mga pulis sa Baesa, Caloocan City noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ni Northern Police District Director Chief Supt. Roberto Fajardo ang suspect na si Ernesto Lozada Cenas Jr.
Nakatanggap ng tip mula sa concerned citizen ang Valenzuela City police na nagtatago ang suspect sa Barangay 160, East Libis, Baesa pagkatapos mangholdap ng mga estudyante sa Valenzuela at beauty parlor sa Caloocan kamakailan.
Natagpuan ng mga pulis ang suspect at tinangkang arestuhin. Bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang mga pulis na gumanti ng putok at napatay si Cenas na dinala sa ospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.
(Jel Santos)