Mas naiintindihan na raw ni Toni Gonzaga ang mga pinagdaanang hirap at sakripisyo ng kanyang Mommy Pinty noon, ngayon na isa na rin siyang nanay sa panganay niyang anak kay Paul Soriano na si baby Seve.
“Ang dami na naming napagdaanan, ang dami nang na-witness ng mga magulang ko sa buhay ko. I remember noong lumalaki ako, hindi ko talaga maintindihan ang mommy kasi parang ganun yun di ba, parang feeling mo laging inis ka sa mommy mo pag mayroon siyang ways na may ka-OA-han, nadadramahan ka. Parang biglang iiyak, nabiro mo lang. Hindi ko siya maintindihan. Hanggang sa noong nabuntis ako, tapos na-experience ko yung first trimester na ang hirap pala. Second trimester, third, hanggang sa mag-labor, manganak, sabi ko, ‘Ay, grabe pala yung pinagdaanan ng mommy ko sa akin.
Tapos dalawang beses niyang ginawa ito.’ Tapos mas nag-iba na yung pagtingin ko sa kanya. I mean, mahal na mahal ko ang mommy ko, I wouldn’t trade her for anything, pero ngayon iba yung pagmamahal na it goes deeper, parang in another life, parang tumatagos hanggang kaluluwa yung pagmamahal at respeto ko sa mommy ko. Kasi hindi biro yung pinagdaanan niya,” sabi ni Toni nang maging guest siya sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.
Nagkuwento pa si Toni sa pinagdadaanan niyang hirap sa pagpapatulog kay Seve. “Grabe, ngayon nae-experience ko yung hindi ka nakakatulog, yung hindi ka mapakali doon sa anak mo kapag hindi siya kumportable. Tapos naaalala ko noon pinapatulog ko si Seve, hirap na hirap siyang mahanap… ewan ko, yung mga baby lagi nilang nami-misplace yung tulog nila, ang hirap hanapin. Sabi ko, ‘Anak, pipikit ka lang. Look at mommy o.’ Sabi ng mga yaya at nurse, ‘Hindi po mahanap ang tulog.’ Saan ba nailagay yung tulog? Bakit hindi mahanap nung bata, saan inilagay?” biro ni Toni.
Na-realize din ni Toni ang sakripisyong ibinibigay ng isang ina lalo na kapag may sakit ang kanyang anak. “As a mom, whatever comfort that your child feels, even if it’s the most uncomfortable for you, gagawin mo. That’s the love of a mother. Even if it hurts you, even if it’s so painful on your part, but if you see your child comfortable happy, comfortable, satisfied, contented, sasabihin mo, ‘Okay lang.’
Tapos totoo pala iyon, ngayon naiintindihan ko na yung ako na lang ang masaktan, huwag lang ikaw. Sabi ko dati, sa pelikula lang sinasabi iyon, ngayon naiintindihan ko na. Dahil noong hindi siya makaka-poopoo, naalala ko noon sabi ng nurse, ‘Masakit po ang tiyan.’ Pinag-pray over ko talaga, ‘In Jesus name, mailipat na lang sa akin yung sakit niya. Please makatulog lang siya.’ In fairness, humilab ang tiyan ko, pero nakatulog siya. Hiniling ko e. Sabi ko, hindi rin naman mabiro, ibinigay din naman,” patawa pa ni Toni.
Ang mga karanasan daw ito ang mas magpapatibay sa kanya bilang isang ina. (Glen P. Sibonga)