Bumuo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng technical working group (TWG) para hawakan ang pagkuha ng traffic enforcers mula sa manpower agencies para madagdagan ang mga tauhan nito na naka-deploy sa mga pangunahing daanan.
Sinabi ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos na ang TWG ay binuo para isakatuparan ang pilot program at magsagawa ng public bidding para sa manpower agency na magus-supply ng mga traffic enforcers.
“We want this planned outsourcing to pose a challenge to our organic traffic personnel, perform well with integrity or lose your job,” sabi ni Orbos.
“If abusive and erring traffic enforcers will not shape up, we will let them go. Only good ones will remain at the agency,” dagdag pa niya. (Anna Liza Villas-Alavaren)