Inamin ni Paulo Avelino na nang hingin ng producers ng pelikulang “I’m Drunk, I Love You” ang rekomendasyon niya para maging leading lady, si Maja Salvador talaga ang ni-request niya. It’s about time daw na magtambal naman sila sa pelikula matapos ang pagsasama nila sa dating ABS-CBN teleseryeng “Bridges of Love.”
“Si Maja kasi parang never pa kaming gumawa ng pelikula na kami talaga ’yung magkatambal. ’Yung last namin was “Status: It’s Complicated,” pero ang katambal niya doon si Jake (Cuenca), tapos ako si Solenn (Heussaff) at si ate Uge (Eugene Domingo). Nakakatuwa na after ng “Bridges of Love” marami ring naghihintay na magkasama kami ulit. Itong movie namin ay para rin sa mga naghihintay,” sabi ni Paulo.
What’s the best thing about working with Maja? “Very positive kasi kasama si Maja e. Kumbaga laging masaya, la-ging may pagkain,” sabay tawa ni Paulo.
“Tapos lagi akong nag-e-enjoy kasama si Maja on or off-screen dahil very bubbly talaga ’yung personality niya. Bilang low-bat ako lagi, iyon nga sabi nila antukin daw ako or lagi akong mukhang antok, so parang ’yung energy ni Maja nakakahawa.”
Samantala, may pressure rin daw nararamdaman si Paulo dahil makakasabay ng showing ng pelikula nila ang “My Ex And Whys” nina Enrique Gil at Liza Soberano. “May pressure din. Ako naman more than earning sa box-office at kumita ng milyon-milyon ang pelikulang ito, mas gusto kong mapanood ito ng mga tao.
Produced by Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment and Artikulo Uno Productions, ang “I’m Drunk, I Love You” ay ipalalabas nationwide sa February 15. (Glen P. Sibonga)