Pinayuhan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon ang communist peace consultants na binigyan ng conditional liberty na kusang bumalik sa kulungan.
“When they come back here, dapat siguro as a sign of good faith bumalik sila sa detention cell katulad ng good faith na ipinakita ng ating Pangulo sa kanila,” pahayag ni Aguirre.
Matatandaan na inutuasan ni Pangulong Duterte ang Solicitor General na hilingin sa mga korte na bigyan ng conditional bail ang detenidong leaders ng National Democratic Front (NDF), Communist Party of the Philippines (CPP), at New Peoples Army (NPA) para makalahok sila sa peace talks na ginanap sa labas ng bansa.
Ngunit dahil sa maraming beses na pag-atake ng NPA sa mga tropa ng gobyerno, binawi ni Duterte ang ceasefire para sa communist rebels, sabay utos ng pagdakip sa mga nabigyan ng conditional bail. (Jeffrey Damicog)